“Hi guys!”Nakuha ng isang babae ang atensyon naming lahat. Agad na tumayo ang kaibigan ni Zoren na si Roiden.“What are you doing here?” biglaang sigaw ni Roiden na nagpalaki sa mga mata ko.“What's wrong with me being here? Asawa mo 'ko, Roiden kaya normal lang na puntahan kita,” mahinhing tugon ng babae.Asawa naman pala. Bakit niya sinisigawan?“Halika na! Umuwi na tayo, Vanilla,” sabay hila ni Roiden sa babae at aalis na sana pero nagmatigas ito at naupo pa sa upuang kaharap ni Lumina.“Bakit? Kadarating ko lang,” sabay kuha nito ng isang bote ng beer at agad itong tinungga.“Vanilla!” iritadong saway ni Roiden sa asawa niya. Pero hindi natinag at nagpatuloy pa sa pag inom. Kaya walang nagawa si Roiden kung 'di ang maupo na lamang sa tabi nito.“Si Dwayne at Zoren lang ang may babae? Kayo wala?” tanong niya pa sa ibang kaibigan ni Zoren.“Ikaw? Wala kang dala?” lingon niya kay Roiden.Kumunot ang noo ko. Nambababae ba itong si Roiden at bakit parang kung umasta itong asawa niya a
Huling Na-update : 2026-07-01 Magbasa pa