“Kailan nga ulit nagkakilala si Lumina at Dwayne?” tanong ni Zoren habang nakatingin kay Seth na natutulog sa crib nito.Puno ng pagtataka akong napalingon sa kanya.“This year lang,” tugon ko bago muling nagbalik ng tingin kay Seth.“E, bakit kamukha ni Dwayne ang batang 'to?” Kunot na kunot ang kanyang noo habang nakatitig kay Seth.Nagtaas ako ng kilay at bahagyang natawa. “Paano naman 'yan magiging kamukha ni Dwayne? E, hindi niya naman anak 'yan.”Mas lalong kumunot ang noo ni Zoren at naitagilid niya pa ang ulo niya.“Imposible nga naman. Pero kamukha talaga, e. Sa tangos pa lang ng ilong.”Umayos siya ng tayo at humarap sa akin.“Kaya kapag ikaw, Mel nabuntis ko, sabihin mo agad sa akin ah? Ayaw ko nang tinataguan ng anak.”“Kung ano-ano na naman 'yang iniisip mo. Tara na nga!” sabay hila ko sa kanya para makaalis na kami.Hindi ko pa naman alam kung saan ang punta namin ngayon para sa second date namin.“Ely, alis na kami,” paalam ko kay Ely na nakasalubong namin sa pintuan.“
Huling Na-update : 2026-07-02 Magbasa pa