Why Does She Look Like Me? Zayver Pov Abala ang buong Devereux Foundation Hall. Ngayong araw ang charity event ng kumpanya. Maraming bata ang inimbitahan. May libreng pagkain, mga laruan, at school supplies. May libreng check-up rin na para sa mga bata. Karaniwan, hindi talaga ako sumasali sa mga ganitong event. Hindi rin ako madalas na dumadalo sa ganitong okasyon. Ngunit simula nang makilala ko si Cassie, parang hindi na ako ganoon ka-irritable kapag may mga bata sa paligid. Pakiramdam ko nga na gusto kong makipaglaro sa kanila. Pero ayokong magulat na naman ang mga empleyado ko na parang nakakita na naman sila ng multo. 'Tsk!' Nagulat ako ng may lumapit na photographer. "Sir, ngiti naman po," sabi ng photographer. Napabuntong-hininga ako dahil ayokong nakukuhanan ako ng mga litrato. "Ayaw ko," tanggi ko. "Sir, charity event po ito para sa mga bata." "Mas lalong ayaw ko. Ikakalat niyo lang sa social media ang pagmumukha ko," simangot ko. Napatawa ang ila
최신 업데이트 : 2026-07-23 더 보기