The CEO Starts Asking Questions ZAYVER POV Tahimik akong nakatayo sa harapan ng salamin bintana, nakatanaw sa makukulay na ilaw ng lungsod dito sa executive office. Sa mesa ko ay nakapatong ang cellphone ko. Ilang beses ko na iyong sinilip. Hindi ko napapansin na hinihintay ko na naman ang tawag ng isang limang taong gulang na bata. Saktong nag-vibrate ang cellphone ko. Napangiti ako agad. "Little Trouble Calling..." sambit ko. Hindi ko na pinaghintay pa ang pagtawag niya. Sinagot ko na agad ang answer button. "Hello, maliit." "Misterrrr!" matinis na sambit sa kabilang linya. "Bakit parang ang saya mo, maliit, huh?" "Kasi sinagot mo po agad, Mister!" "Hindi ba dapat?" "Dapat lang po! Para hindi mo na ako paghihintayin pa," rinig ko na tawa ng bata. Napailing ako habang napapangiti. "Ikaw talagang bata ka," sabi ko na lang. "Mister." "Oh?" "Ano pong ginagawa mo?" "Nagtatrabaho," tipid na sagot ko. "Hanggang ngayong gabi?" "Oo." "Sabi ni Mommy
최신 업데이트 : 2026-07-13 더 보기