Why Are You Hiding, Mommy? Calista/Cassie POV Minsan, nahihiwagan ako sa kinikilos ng anak ko. Ano na naman kaya ang nasa isip nito? Hayyyy... Buntong-hininga ko pa. Mula kasi nang makilala ni Cassie si Mister sa personal, isa na lang ang laman ng isip niya. Kagaya ngayon, kinukulit na naman niya ako. "Kailangan niyong maging magkaibigan ni Mister sa lalong madaling panahon, Mommy." "Ha? Ano 'to, anak, sapilitan? Paano kung busy ang Mommy mo at wala akong oras makipagkaibigan sa kahit na sino?" sabi ko. "Si Mister po ang pwede mo lang maging kaibigan na lalaki, Mommy. Si Tito Virgo, hayaan mo na po siya . Busy naman na yata yun sa ibang babae. Di po kayo bagay, Mommy, ni Tito Virgo," nguso pa ni Cassie. "Pasaway ka talagang bata ka! Ang Tito Virgo mo ang palaging tumutulong sa atin. Wag mo naman siyang iganyan, anak." Malumanay kong suway sa kanya. "Pero Mommy, wag na po si Tito Virgo, normal friends na lang po kayo," giit niyang sagot. Hindi na lang ako nakipag-argue pa at ba
최신 업데이트 : 2026-07-31 더 보기