ZYLA SANDRA SARCOVA“Mauna na kami, Miss Zy,” sabi ni Jessa habang nakatingin kay Zadrick.“Bye.” Kumaway ako sa kanya.“Sir Zadrick, bye po.”Nagpaalam din siya kay Zadrick nang mapadaan sa harap nito.“Goodbye,” sabi naman ni Zadrick kay Jessa, pero sa akin nakatuon ang tingin niya.Akmang sasalubungin niya ako nang biglang dumating si Ritchel.“Zadrick!”Masigla ang boses niya at kumikislap pa ang mga mata.“Were you waiting for me?”Pumulupot agad ang kamay niya sa braso ni Zadrick.Umigting ang panga ni Zadrick habang inaalis ang kamay ni Ritchel sa braso niya saka agad na humakbang papunta sa akin.Pero muli siyang hinawakan ni Ritchel. Nasa akin na rin ang tingin nito.“We have to go. They're already waiting for us.”Pinilit kong huwag na silang tingnan.Huwag silang pakinggan.Pero malinaw ko pa ring narinig ang sinabi ni Ritchel, na para bang nilalambing niya si Zadrick.Nagpatuloy ako sa paglalakad.Nang matapat ako sa kanila, nagpaalam ako.“Bye, Zadrick… Ritchel.”Ngumiti s
Last Updated : 2026-08-01 Read more