ZYLA SANDRA SARCOVAPisil-pisil ko ang noo ko nang magising ako.Ang sakit-sakit kasi ng ulo ko. Hindi ko alam kung ilang oras lang ang tulog ko.Sa tuwing pipikit ako, si Zadrick o si Rover ang nakikita ko.“Mommy…”Napangiti ako nang marinig ang antok ngunit malambing na boses ng anak ko.“Good morning, baby…”Hinalikan ko siya sa pisngi.“Good morning, Mommy…”Kinusot niya ang mga mata niya at ngumiti rin.Pagkatapos, bumangon siya, bumaba sa kama, at kinuha ang bag niya sa aparador.Bumangon din ako at umupo sa gilid ng kama.“What are you looking for?”Ngumiti siya sa akin.“My drawing.”Pero hindi niya iyon inilabas sa bag.Tinupi niya iyon at maingat na isinuksok sa loob bago ibinalik ang bag sa aparador.Pagkatapos, muli siyang lumapit sa akin.“Mommy, do you have work today?”Kinandong ko siya.“Yes, baby. But I don’t have work tomorrow.”Biglang kumislap ang mga mata niya.“So, we can spend time together tomorrow?”Tumango-tango ako.“Yes. We can go anywhere you want.”Agad
Last Updated : 2026-08-03 Read more