ZYLA SANDRA SARCOVAMatapos ang gabing dinala ako ni Zadrick sa bahay niya, nagbago na siya.Hindi na siya basta lumalapit nang walang dahilan. Nag-uusap na lang kami tungkol sa trabaho.Maski no'ng matapos niya akong ihatid, wala na rin siyang sinabi.Hinintay niya lang na makapasok ako at agad siyang umalis.Sa totoo lang, nakakapanibago.Maging si Milo ay nagbago rin. Hindi na niya kami tinutukso.Ito naman talaga ang gusto kong mangyari. 'Yong may gap kaming dalawa. Mas tahimik. Walang istorbo. Walang gulo.Lalo na ngayong nagsimula na ang production ng capsule collection.Abalang-abala na ang lahat sa kani-kanilang trabaho.“Jace, na-follow up mo na ba ang tela from Italy?” tanong ko habang tumitingin sa mga swatches.“Yes, Miss. Dadating na po mamayang hapon,” sagot niya habang inaayos ang mga telang gagamitin.“Good.”Napatingin naman ako kina Pearl at sa assistant niyang si Cora.Abala pa rin sila sa mga pattern na ipapasa sa master tailor.Kami naman ni Jessa ay isa-isang binu
Last Updated : 2026-07-17 Read more