ZYLA SANDRA SARCOVA"Zy, this is for you."Sabi ni Rover habang inaabot sa akin ang isang pulang rosas.Napatingala naman sa amin si Zailyn. Halatang nalilito.Bumitiw siya sa kamay ko at tumingala sa rosas na inabot ni Rover."Thank you, po."Siya ang tumanggap sa bulaklak na ikinagulat ko. Gusto kong agawin sa kanya ang bulaklak at ibalik kay Rover, pero inamoy-amoy na niya ito kaya hinayaan ko na lang.Nagkatinginan kami ni Alex. Sina Mara at Sofie naman, humalukipkip. Parang mga bantay na handang ipagtanggol ako kapag nagkagulo.Pero mukhang walang gulong mangyayari. Kasi si Rover, nangingislap ang mga matang nakatingin sa anak ko at napapangiti pa."You're welcome, sweetheart."Lumuhod siya sa isang tuhod para magpantay sila ni Zailyn.Agad kong hinila si Zailyn palayo nang akmang hahawakan niya ang pisngi nito.Halatang nagulat si Zailyn. Nabitiwan niya ang bulaklak, na agad namang pinulot ni Mara at ibinigay ulit sa kanya."Ano na naman ba ang kailangan mo, Rover?" Halos pabulo
Last Updated : 2026-07-23 Read more