Sandaling natigilan si Dianne, pero maya-maya lamang ay mahina siyang natawa."Oh, c'mon, Tiya. Wala akong ginagawang masama. I'm just here for a visit. At nakita mo naman, di ba? Si Chantal naman ang pumayag, so I guess it's okay. And I have promised them that I won't make any trouble."Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Manang Dolores habang nakatingin sa kanyang pamangkin. Mahal niya ang trabaho niya, kaya sana lang ay huwag makagawa ng gulo ang pamangkin niya."Sana nga ay ganoon ang mangyayari. Ayoko ring gawan ka ng masamang isip, Dianne, pero kilala kita. Anak ka ng kapatid ko," patuloy ni Manang Dolores, puno ng pakiusap at matinding pag-aalala ang boses habang nakatitig sa pamangkin. "Huwag mong subukang gumawa ng kahit anong gulo rito. Maayos ang pagsasama nina Sir Marco at Ma'am Chantal, at ayaw kong maging dahilan ka ng anumang lamat sa relasyon nila."Naglakad si Dianne patungo sa kama at doon naupo."Paano nga pala nagkakilala sina Chantal at Marco, Tiya?
Last Updated : 2026-09-28 Read more