"Ano ka ba, 'wag ka nang humingi ng tawad! Nagbibiro lang naman ako. Of course, I understand why you had to disappear," sagot ni Lyka habang umiiyak sa kabila ng pag-iyak."Ang mahalaga sa akin ngayon, marinig ang boses mo at malaman na maayos ka. Napanood kita kagabi, Chantal! Nandoon ako sa premiere night... Nakita kita sa stage! Ang ganda-ganda mo, at napakahusay mo. Congratulations, Chantal! Sobrang proud na proud ako sa 'yo!"Lalong bumuhos ang luha ni Chantal habang napapangiti sa kabila ng emosyon. "Salamat, Lyka... Maraming salamat. I’m sorry na hindi man lang kita nalapitan kagabi. Hindi ko alam na nandoon ka pala...""Naiintindihan ko, Chantal. Nakita ko ang proteksyon sa paligid mo at alam kong may malalim na dahilan ang lahat," mahinahong saad ni Lyka habang pilit na pinapakalma ang sarili. "Basta ang mahalaga, maayos ka. Pero... nasaan ka ba ngayon? Pwede ba kitang puntahan? Pwede ba tayong magkita?"Bahagyang natigilan si Chantal. Tumingin siya kay Marco na nakatayo hind
Last Updated : 2026-09-27 Read more