Kahit ramdam ang matalas na pagnanais ni Dianne na humukay ng impormasyon sa likod ng inosente nitong mukha, napanatili ni Chantal ang kanyang kalmado at eleganteng postura. Bahagyang itinaas ni Chantal ang kanyang baso ng iced tea, uminom nang kaunti, at dahan-dahang ibinaba iyon sa mesa bago muling tinitigan nang diretso ang karibal."It was somewhat like a whirlwind romance, Dianne," mahinahon at may tipid na ngiting sagot ni Chantal. "Mabilis ang mga pangyayari. We met at a time when we both needed something real, and things just naturally fell into place until we decided to tie the knot," pahapyaw niyang dagdag at piniling hindi na banggitin pa sa babae ang totoong nangyari.Bahagyang napakurap si Dianne. Hindi iyon ang sagot na inaasahan niya. Naghahanap siya ng mga tiyak na detalye—mga petsa, lugar, o partikular na pangyayari na magagamit niya o ng kanyang manager para makahanap ng lamat sa kasal ng dalawa."Whirlwind romance?" Pilit na natawa nang mahina si Dianne, may halong
Last Updated : 2026-09-28 Read more