Halos anim na buwan akong nagnilay-nilay. Sa loob ng kalahating taong iyon, ang araw-araw kong buhay ay naging isang tahimik na paglalakbay sa kaibuturan ng aking kaluluwa. Bawat umaga ay gumigising ako na wala na ang dating sigla, subalit may isang bago at malinaw na layunin na unti-unting nabubuo sa aking nawasak na pagkatao. Ang bawat panalangin, ang bawat pagbisita sa simbahan, at ang bawat pag-alala sa sakripisyo ni Hilary ay nagdala sa akin sa isang napakabigat ngunit panatag na desisyon.Isang gabi, habang nakaupo kami sa malawak na hapag-kainan ng aming ancestral home, ipinasya kong ilatag sa aking mga magulang ang aking napagdesisyunan."Ma, Pa... may mahalaga po akong kailangang sabihin sa inyo," panimula ko habang ibinababa ang aking kubyertos.Napatigil ang aking ina sa pagsubo, samantalang ang aking ama naman ay dahan-dahang itinaas ang kaniyang tingin mula sa kaniyang plato."Naisip ko na po ito nang matagal na panahon... Magpapari na po ako. Papasok na ako sa seminaryo
Magbasa pa