Si Earl iyon—ang lalaking dahilan ng pagkasira ng buhay ko noong High School—kasama ang dati kong grupo na naging mga ulupong na ngayon: sina Aleli, Bea, Cat, at Dana. Nakatitig silang lahat sa akin, may mga nakaguhit na nakakairitang ngisi sa kanilang mga labi na parang mga leong nakakita ng kanilang prey."Move..." malamig at may kayaagang utos ni Aleli kina Sheng at Amber, pati na sa iba pa naming kaklase na nakaupo sa mesa.Nagkatinginan sina Sheng at Amber, bakas ang takot at pagkailang sa kanilang mga mukha. Walang nagawa ang dalawa kundi magmamadaling tumayo at iwan ako roon. Walang pasabi na pinalibutan ako ng grupong iyon at naupo sa aking gilid."Well... akala namin, hindi ka na a-attend, Amalia," nakangiting sabi ni Bea sa akin. Subalit sa kaniyang mga mata, ramdam ko ang kakaibang poot at masamang balak."Amalia," marahang hinawakan ni Aleli ang aking kamay, ginagamit muli ang kaniyang sanay na sanay na lambing. "Kalimutan na natin 'yong nakaraan. Old enough na tayo, tapo
Read more