Pagkatapos ng aming masayang kuwentuhan sa café, napagdesisyunan naming tatlo na lumipat sa isang restaurant sa mall upang mag-lunch. Habang nag-oorder kami ng pagkain, hindi nakatiis si Rendy na i-message ang mga lalaki. Inaya niya sina Justine, Denis, at Jay na sumunod at puntahan kami roon para magkasama-sama na kaming lahat ngayong hapon."Nag-reply si Denis, bhe!" masayang balita ni Rendy habang nakatitig sa kaniyang telepono. "Papunta na daw sila rito nina Justine at Jay. Kasama raw nila si Jay dahil katatapos lang ng lakad nila mula sa opisina."Hindi nagtagal, habang inilalapag ng waiter ang aming mga inorder na pagkain sa mesa, natanaw na namin ang tatlong lalaki na papalaapit sa aming pwesto. Suot ni Justine ang kaniyang kaswal na polo shirt na lalong nagpalutang ng kaniyang kagwapuhan. Sa sandaling magtama ang aming mga mata, agad na sumilay ang isang napakatamis na ngiti sa kaniyang mga labi."Hi, my princess," malambing na bati ni Justine sabay halik sa aking pisngi bago
Read more