Mabilis na lumipas ang mga araw, na kalaunan ay naging mga linggo, hanggang sa tuluyan nang umabot sa dalawang buwan ang aming relasyon. Sa loob ng dalawang buwang iyon, lalong tumibay at lumalim ang aming pagmamahalan ni Hilary. Bagama't may mga simpleng araw na abala kami sa kani-kanilang trabaho, hindi kailanman nawala ang aming komunikasyon, ang aming gabi-gabing kwentuhan, at ang walang sawang pag-aalaga sa isa't isa.Dahil sa aming ikalawang monthsary, napagkasunduan naming magbakasyon upang magkaroon ng oras na kami lang talaga—malayo sa ingay ng trabaho, malayo sa mga pangaral at panunukso ng aming mga kaibigan. Ang aming napiling destinasyon: South Korea. Walang ibang kasama, walang tour group, at walang istorbo. Si Hilary at ako lang talaga.Mula pa lang sa Ninoy Aquino International Airport ay halatang-halata na ang aming matinding kagalakan. Nakahawak ang aking kamay sa kaniyang baywang habang inaakay ko siya bitbit ang aming mga luggage, habang siya naman ay nakakapit sa
Read more