Hindi ko alam kung kailan ako nagsimulang maging isang halimaw sa sarili kong tahanan.Noon, napakasimple lang ng pangarap ko. Ang makasama si Rendy at si Amiel. Ang maging isang mabuting haligi ng tahanan. Pero paano ako humantong sa puntong ito?Nagsimula ang lahat nang hayaan kong kainin ako ng sarili kong insecurity, selos, at katangahan.Naramdaman ko noong unti-unti siyang nagiging abala. Mula sa trabaho, sa pag-aayos ng bahay, hanggang sa pag-aalaga sa anak naming si Amiel. Kapag umuuwi ako galing sa trabaho, madalas ay pagod na siya. Minsan, kapag gusto ko siyang yakapin o kausapin, hindi niya agad ako nabibigyan ng pansin dahil marami siyang ginagawa. Minsan naman, kapag naglalambing ako, sasabihin niyang pagod siya at kailangan niyang magpahinga.At sa halip na intindihin ang kaniyang pagod... naging makasarili ako.Tumingin ako sa sarili kong pangangailangan at hindi sa kaniya. Nagtampo ako. Naging childish ako. Inisip kong hindi na niya ako mahal. Inisip kong nababawasan n
Read more