Bago pa man ako tuluyang makatayo mula sa malinis at malamig na semento ng hallway, narinig ko ang mabibilis na bulungan ng mga taong nakapaligid sa akin.Mahina sa simula—parang mga bubuyog na bumubulong sa tabi-tabi. Pero habang tumatagal at habang unti-unting umaalis ang mga security guard kasama ang marahas na misis, lalo kong naririnig ang bawat matalas na salitang ibinabato nila sa aking direksyon.“Siya raw 'yong kabit, 'di ba? Ang kapal ng mukha...”“Grabe, ang lakas naman ng loob niyang pumunta pa rito.”“Ang landi naman! May asawa at anak na 'yong lalaki, tapos siya pa 'tong may ganang magmayabang?”“Deserve niyang mapahiya nang ganiyan! Dapat sa mga kabit, ipinapahiya sa publiko!”“Kung ako siguro ang legal na asawa, baka hindi lang sampal ang inabot niyan. Baka napatay ko pa 'yan.”“Ang yabang ng dating kanina, 'di ba? Mas nakatatakot pa siyang makasalamuha kaysa sa legal na misis.”Napahigpit ang kagat ko sa aking panga. Nanlamig ang aking mga daliri. Pinilit kong huwag p
Ler mais