Dire-diretso akong naglakad patungo sa likod ng bahay kung saan naroroon ang gym ng mga kuya ko.Hindi iyon simpleng home gym lang. Dahil sa laki ng katawan nina Kuya Bert at Kuya Senon at sa hilig nila sa fitness, ginawan nila ng hiwalay na extension ang likod ng bakuran. Halos kumpleto ang gamit doon—may dalawang treadmill, stationary bike, heavy squat rack, kumpletong hanay ng dumbbells, punching bag, at iba't ibang cable equipment.Dati, tuwing bibisita kami rito ni Denis, ilang beses na akong niyaya ng mga kuya ko na mag-workout kasama nila. At palagi ko lang sinasabi: “Wala akong oras, Kuya. Busy ako sa bahay at kay Amiel.”Ngayon, wala na akong dahilan para magpalusot. May oras na ako para sa sarili ko.Pagpasok ko sa loob ng gym, naamoy ko agad ang amoy ng bakal at rubber mat. Nakita ko si Kuya Bert na nakatayo sa harap ng bench press, nagbubuhat ng dalawang malalaking plate habang umiingay ang kaniyang paghinga.Napatingin siya sa akin mula sa salamin. Ibinaba niya muna ang b
Read more