“Exactly!”“Pero hindi rin namin pwedeng sabihing tama ka,” pagpapatuloy ni Justine sa kaniyang kalmadong boses. “Ang problema sa inyong dalawa, pareho kayong gumawa ng mga bagay na wumasak sa tiwala ng isa't isa.”“Hindi ako nanakit ng tao!” giit ko.“Emotionally, Denis? Mas matindi pa sa pisikal ang ginawa mo,” matalim na titig ang ibinigay sa akin ni Justine. “Fake photos, anonymous account, pagpapanggap na may kabit ka habang ginagamit mo ang mismong mukha ng magandang assistant mo na nakakasama mo araw-araw sa opisina... Alam mong papatayin niyon ang utak at puso ng asawa mo.”“Gusto ko lang naman magselos siya! Gusto ko lang maramdaman na natatakot siyang mawala ako!”“At eto na ngayon ang resulta,” umiling si Justine. “Nagselos siya, pumatol siya, at sumabog ang buong pamilya mo. Diyan nagkakamali ang karamihan sa mga lalaki. Gumagawa sila ng aksyong alam nilang ikagagalit at ikawawala sa sarili ng asawa nila, tapos kapag nagwala 'yong babae, magmamalinis sila at magugulat.”Na
Ler mais