Paglabas ko ng gusali, agad kong hinanap si Audrey sa paligid.Nakatayo siya malapit sa entrance, hawak ang cellphone habang paminsan-minsang tumitingin sa mga sasakyang dumaraan. Nakasuot siya ng simpleng blouse at itim na slacks, ang buhok ay nakatali nang maluwag sa likod. Karaniwan, kapag hinihintay niya ako, may ngiti na agad siyang ibinibigay sa akin sa sandaling makita niya akong papalapit.Pero ngayon... iba.Nang magtagpo ang mga mata namin, ngumiti naman siya, ngunit hindi umabot sa mga mata niya ang ngiting iyon. May bahagyang pamumula sa paligid ng kaniyang mga mata, at kahit pilit niyang itinuwid ang kaniyang tindig, halatang-halata ang matinding pagod at lungkot sa kaniyang mukha.Napahinto ako nang ilang hakbang mula sa kaniya.“Hey, baby...”“Hi, Amiel.”Lumapit ako at marahang hinawakan ang kaniyang kamay. Malamig iyon. At nang tingnan ko siya nang mas mabuti, saka ko napansin ang bahagyang paglaylay ng kaniyang mga balikat.“How are you?”“Okay lang ako.” Mabilis ang
Read more