Kinabukasan, maaga pa lamang ay gising na ako.Hindi ko na hinintay ang tawag ni Amiel. Hindi rin ako nagpadala ng mensahe para sabihing magandang umaga sa kaniya gaya ng palagi kong ginagawa. Sa halip, tahimik akong naghanda, nagbihis nang napakaganda, at maagang umalis ng bahay.Kailangan kong makarating sa opisina bago pa man siya dumating. Ayokong makita niya ako ngayong umaga—hindi dahil wala akong gustong sabihin sa kaniya, kundi dahil kailangan kong mag-isip nang mabuti kung paano ko gagamitin ang araw na ito para sa mga plano ko.Kahapon, nakauwi akong pagod na pagod. Halos hindi ko na maramdaman ang mga daliri ko sa kakapindot sa keyboard. Ang masaklap, kahit anong gawin ko, tila walang katapusan ang mga ipinapagawa sa akin ni Rendy at ng mga buwisit na matatandang nagtatrabaho sa opisina niya.Hindi ko inakalang ganoon kahirap ang trabahong ibibigay sa akin doon.Dati, kapag nasa opisina ako ni Amiel, maaari kong ipasa sa ibang empleyado ang mga gawaing hindi ko kayang tapus
อ่านเพิ่มเติม