Nagbuntong hininga ako, muli siyang binalingan. Ganoon pa rin ang itsura niya. Nakagat ko na lang ang labi dahil doon.“What else?” tanong niya saka ko napansin ang munting pagkislap ng kanyang mata dahil sa tuwa.Napangiti ako. Then, in a soft, serious voice, I almost whispered, “You’re the most handsome, kindest… the best husband in the world.”Lumawak ang ngiti niya sa narinig. Ang kamay kong nasa aking hita ay mabilis niya itong dinampot saka ito pinatakan ng isang halik."You’re also the most beautiful, sēxiest wife in the world," aniya sa nanlalambing na tono.Napatikhim ulit ako at napalunok. Kainis! Ang dali dali lang para sa kanya na pakiligin ako.“Dinig mo naman si Doc, ‘diba?” pag-iiba ko sa usapan. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa sinabi niya. “Sabi, baka bukas, pwede na tayong lumabas dito. Kung feeling mo kaya mo na, pwede bang kina Mama Bed na tayo dumiretso?” Sumeryoso ang mukha ko, mataman siyang tinitigan. “Um... ‘Yun ay kung ayos lang sa’yo,” I seconded,
Baca selengkapnya