Parang hindi agad pumasok sa isip ko ang sinabi ni Mama.Lydia was my sister.Ilang segundo akong nakatitig sa kanya, hawak pa rin ang papel na iniwan ni Niko, habang pilit kong pinagkakasya sa iisang larawan ang lahat ng nalaman ko.Lydia Wang.Elena Wang.Dalawang pangalan.Isang pamilya.At isang identification card na gumagamit ng pangalan ng isang babaeng hindi ko man lang alam na umiiral.“Ma…”Bahagya siyang napayuko.“Hindi ko alam kung paano ko ito ipapaliwanag.”“Simulan mo sa totoo.”Napatingin siya sa akin.“Walang dagdag, walang bawas.”Tumango siya.Sa gilid ko, naramdaman kong gumalaw si Sha, pero hindi siya nagsalita. Si Zale naman ay nasa may filing cabinet, hawak pa rin ang identification card, pero hindi ko siya nilingon. Hindi dahil ayaw kong malaman kung ano ang iniisip niya, kundi dahil ayokong maimpluwensiyahan ng reaksyon niya ang maririnig ko mula kay Mama.Gusto kong sa kanya mismo manggaling.“Ang pangalan kong Elena Wang,” sabi niya sa wakas. “Elena ang pan
Read more