SOLANA'S POV Tahimik ang buong conference room. Walang nagsasalita. At ñahat ng tao sa loob ay seryoso ang mukha. Nasa dulo ng mahabang mesa ang direktor ng pelikula. Katabi niya ang executive producer. Naroon din ang ilang producers, legal team ng agency, publicist, at siyempre...si Vanessa. Nakaupo ako sa tabi niya habang nakahalukipkip. Sa kabilang gilid naman ng silid ay tahimik na nakatayo sina Kenjie at dalawa pang bodyguards. Gaya ng dati. Hindi siya nakikialam. Pero alam kong nakikinig siya sa bawat salitang lumalabas sa loob ng kwartong ito. Huminga nang malalim ang direktor. "I think... we should suspend the shooting." Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa ulo ko. "What?" Napabuntong-hininga siya. "The situation is getting worse, Solana." Ibinaba niya sa mesa ang ilang printed photos. Mga litrato namin ni Kenjie sa Batanes. "This is getting dangerous," sabi ng executive producer. "The public is no longer talking about the movie. They're t
Zuletzt aktualisiert : 2026-07-01 Mehr lesen