Caroline’s POV Namutawi ang nakabibinging katahimikan sa loob ng opisina. Tumingin sa akin si Amanda, nanlilisik ang mga mata sa matinding galit. "Tobias, it's just a quick review. Hindi naman yata malaking bagay 'yun para palakihin mo nang ganito," pilit pa ring pagtatanggol ni Amanda ang sarili, bagaman bakas na ang pagkasira ng kumpyansa niya. Tumingin sa akin si Tobias at mabilis ko naman siyang pinanlakihan ng mga mata. “Subukan mong pumayag dyan, sa labas ka matutulog mamaya,” sabi ko nang walang boses. Tumikhim siya bago muling nagsalita, "It is a big thing to me, Amanda," seryoso at may kaba na tono na sagot ni Tobias. Sa pagkakataong ito ay tumayo siya sa swivel chair niya, at inayos ang harap ng gray suit jacket niya. "I value structure in this company. Please leave the documents with Caroline. I will look into them once my schedule permits." Namula ang mukha ni Amanda sa sukdulang hiya. Polite si Tobias, walang kahit anong mura o sigaw, at hindi umabot sa punto na
Última actualización : 2026-07-19 Leer más