Caroline’s POV "Heto po 'yung pipirmahan para sa logistics department, Sir. Tapos 'yung schedule niyo naman para sa board meeting bukas, okay na rin po," pormal kong sabi sabay lapag ng makapal na folder sa desk niya. Nasa loob kasi ng opisina si Victor at lalo naming kailangang mag-ingat kapag nandyan siya. "Salamat, Caroline," sagot ni Tobias nang hindi man lang tumitingin sa akin. Naka-focus ang buong atensyon niya sa screen ng phone niya. Ang bilis mag-type habang nakakunot pa ang noo, tapos bigla namang ngingiti nang bahagya. Nang maramdaman niyang nakatayo pa rin ako sa harap niya, pasimple niyang ibinaba ang phone nang nakataob sa ibabaw ng mesa. Napasimangot ako habang nakataas ang isang kilay. Iniwan ko na siya pero pinaramdam ko muna sa kanya ang inis ko. Busy ang lahat dahil dagsa ang reports matapos ang bagyo. At sa totoo lang, kahit tambak ang paperworks ko, hindi ko maiwasang mapapasulyap-sulyap sa kanya buong araw. Ang guwapo kasi ng m*nyak na ito kapag seryoso ha
Terakhir Diperbarui : 2026-07-16 Baca selengkapnya