Chapter 58 Caroline’s POV “I’m done!” Isa-isa niyang inihapag sa harap ko ang mga niluto niya. May daing, Hungarian sausage, eggs, mushroom soup, at siyempre, mainit na kape. “Ang bango naman, at ang dami!” “I want you to eat a lot. Puro na lang salad ang kinakain mo, eh. Buti nga hindi ka pa nagiging kambing.” Napairap ako sa kaniya sabay hampas nang mahina sa braso niya. “Ay! Grabe ka sa akin, ha?” “Haha, I’m just kidding. But honestly, I want you to eat a lot and enjoy the food.” “Sige na po, hindi na ako aangal. Grabe, na-miss ko ang daing. In fairness!” Sarap na sarap ako sa luto niya at hindi ko mapigilang mapasayaw nang kaunti habang kumakain. Kung dati ay naiilang at nahihiya pa ako dahil boss ko siya, ngayon, showing him my weird side actually feels nice. Pagkatapos kumain ay nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan. Nakaupo lang kami sa dining table nang magkatapat. We’re just taking our time, no rush. Hindi gaya ng usual naming mga araw na laging nagmamadali. “Toby…” “
Last Updated : 2026-07-13 Read more