Letitia Del Fuego's POVPaggising ko pa lang kinaumagahan, agad kong hinanap ang mainit na sulyap ni Drake. Pero sa halip na ang pormal ngunit may lambing na tingin na ipinapakita niya sa akin nitong mga nakaraang araw, muling nagbalik ang matigas, malamig, at tila walang kaunting emosyong pader sa kanyang mga mata.Nakatayo siya sa may pintuan ng dining room habang nag-aalmusal ako kasama si Daddy. Suot niya ang kanyang kumpletong uniporme, tuwid ang tayo, at nakatingin lang sa malayo—parang isang estatwa na walang nararamdaman."Drake," tawag ko habang iniinom ang aking orange juice. "Ihanda mo 'yung mga libro ko para sa Economics class mamaya.""Nasalo na po sa kotse, Lady Letty," malamig at pormal niyang sagot. Wala man lang pagtanggi, wala man lang pagsubok na titigan ako sa mga mata.Napakunot ang noo ko. Naramdaman ko ang biglaang pagkirot at paninikip ng dibdib ko. Bakit siya nagkakaganyan? Kagabi lang... alam kong nandoroon siya sa kwarto ko. Naramdaman ko ang paghawak ng mai
Terakhir Diperbarui : 2026-09-09 Baca selengkapnya