Letitia Del Fuego's POVNapakalakas ng ingay ng basag na musika at ang naglalarong mga kulay ng ilaw sa loob ng Xylo. Puno ang VIP table namin. Naroon sina Chloe, Bianca, Sophia, at ilan pang mga kilalang anak ng mga negosyante sa Maynila. Halos hindi na magkarinig sa lakas ng bass habang ang lahat ay nagsasayaw at nagtatagay ng mamahaling alak.Sa gitna ng lahat ng gulo at ingay na ito, nakatayo lang sa isang sulok si Drake.Nakasandal siya sa gilid ng aming booth, nakakrus ang mga braso sa kanyang dibdib habang ang kanyang mga mata ay nananatiling matalim, malamig, at alerto sa bawat taong lumalapit sa mesa namin. Suot ang kanyang simpleng itim na fitted t-shirt, mas mukha pa siyang peligrosong pader kaysa sa isang bisita sa party.At siyempre, tulad ng inaasahan, hindi lang ako ang nakakapanood sa kanya."Gosh, Letty..." bulong ni Chloe habang sumasayaw sa tapat ko, may hawak na baso ng tequila. "Sigurado ka bang butler mo lang 'yan? I mean, look at him. Kanina pa siya tinititigan
Última actualización : 2026-09-08 Leer más