"Hindi na siya makangiti kahapon, eh. Wala na lang magawa iyan dahil nasa party sila kahapon pero feeling ko gusto mo magalit kahapon." Sunod-sunod akong umiling para pabulaan ang sinabi niya. "Hindi, Faith! I was just tired of smiling because of the pictures," sabi ko. Iyon naman talaga ang totoo. Oo at medyo upset ako kahapon pero hindi naman sa puntong gusto kong pag-awayan namin iyong mag-asawa. "Ah, basta! Nakita ko kahapon ang itsura mo. Baka hindi mo lang talaga alam sa sarili mo," dagdag ni Faith. "Wala namang masama na magtampo kung ganoon, Eve. Priority nga niya ang business pero siyempre, ikaw at ang mga anak niyo ang dapat na mauna sa lahat." Umikot ang mata ko at tumango na lamang. Pagbigyan ang buntis. "Seryoso ako, ah!" aniya. Natawa si Leda. Kumain na ulit si Faith. "Limang taon na sila," si Leda. Tumi
最終更新日 : 2026-11-07 続きを読む