Pagkarating ko sa BGC, sa entrance pa lang ay naroon na si Christopher. Lumapit ako at humalik sa pisngi niya.“Saan ang meeting mo ngayon, Darling?” tanong niya.“Diyan sa tabi ng Uptown Mall,” sagot ko.“Okay, Darling, mauna ka na — susunod lang ako sa’yo,” wika niya.“Okay, see you later.”Dumiretso ako sa mall kung saan gaganapin ang meeting namin ng kliyente. Agad naman namin silang nakita. Ngumiti ako. “Let’s start, Mr. Ocampo.”“Go ahead, Ms. Mendez.”Kaya nagsimula na ako — ipinaliwanag ko ang proyekto at kung ilang buwan ang itatagal ng paggawa nito.“Wow, amazing, Ms. Mendez. I think this project is gonna work. And I think I can give you half the payment already,” sabi ni Mr. Ocampo.“Thank you, Mr. Ocampo. My secretary can discuss more specific details about our project if you’d like. Can I go ahead?” tanong ko.“Sure, go ahead, Ms. Mendez.”“Mauna na ako — may bibilhin lang ako sa isang boutique dito sa mall,” sabi ko sa secretary ko.“Okay, Ma’am. Ingat po kayo.”Nagtungo
最後更新 : 2026-07-16 閱讀更多