"Anong ginagawa mo rito, Colonel De Juan?" seryoso kong tanong sa kanya.Habang siya naman ay palipat-lipat ang tingin sa aming pito. Gusto ko na sana silang murahin dahil bakit sumama pa sila. Nyeta lang talaga! Mukhang sila ang magpapahamak sa akin.Ang pinakamalala pa..."Pasensya ka na, Colonel," sabi naman ni Vivian. Oo, nakisali na rin si Vivian. "Minsan lang kasi ako umuwi ng bansa at minsan lang din kaming nagsasama-sama. And personally, sabik akong makarinig ng mga balita lalo na tungkol sa mga apo ko."Wow! Just wow!Hindi ko alam na ganito pala kagaling umarte si Vivian."Actually, first time itong mangyari na may dumalaw na lalake rito kay Yzrah," sabi pa ni Rhiona. "Or I just assumed it that way? Or tungkol ito sa pag-aresto mo sa kanya?"Halatang naiilang siya sa amin pero pinili niyang magsalita pa rin. "May sasabihin sana ako sa kanya. Kung okay lang sanang makausap siya ng pribado.""Ah, pribado..." singit naman ni Amariya at halatang iba ang tinutukoy niya sa salitan
최신 업데이트 : 2026-07-16 더 보기