Mabilis na lumipas ang mga buwan na tila banayad na hanging dumaan sa mansyon ng mga Valdez. Sa loob ng siyam na buwan, ang buhay nina Alex at Clara ay napuno ng matamis, tapat, at halos pambihirang pag-aalaga. Ginawang misyon ng makapangyarihang bilyonaryo na bantayan ang bawat galaw ng kanyang asawa. Ang mga travel schedules ni Alex ay tuluyang binawasan, ang mga transaksyon sa New York branch ay ipinasa na kay Mark, at ang kanyang buong atensyon ay nakatutok lamang sa paglaki ng tiyan ng doktora.Si Clara naman ay napilitang mag-bawas ng oras sa operating room mula nang pumasok siya sa kanyang ikatlong trimester. Bagaman nais niya pa ring hawakan ang scalpel para sa charity ward, ang mahigpit na utos nina Alex, Donya Aurora, at maging ng kanyang matalik na kaibigan na si Dr. Ethan Ramirez ay nagpilit sa kanya na maging isang tagapayo na lamang sa mga mas batang surgeon."Masyado mo naman akong ginagawang parang isang porselanang manika, Alex," natatawang saad ni Clara habang nakaup
Huling Na-update : 2026-08-10 Magbasa pa