Tinitigan nang matagal ni Clara si Alex. Nakita niya ang isang lalaking sugatan ang pride, galit sa mundo, ngunit desperadong protektahan ang kanyang lola at ang kanyang kumpanya. Sa kabilang banda, naisip ni Clara ang mukha ng mga mahihirap na pamilyang umiiyak sa kanyang opisina dahil walang pambili ng gamot.Gusto ko ng nakasulat na kontrata, sabi sa wakas ni Clara, ang kanyang boses ay puno ng determinasyon. Lahat ng kondisyon ko ay dapat nandoon. Walang pisikal na ugnayan, walang pakialam sa personal na buhay ng isa't isa, at ang pondo ay dapat direktang pumasok sa charity account ng ospital sa loob ng tatlong araw.Isang manipis at malamig na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Alex. Inilahad niya ang kanyang kamay kay Clara. "Deal, Dr. Monteverde. Ihandanda ng abogado ko ang kontrata ngayon din."Tiningnan ni Clara ang malaking kamay ng bilyonaryo. Alam niyang sa oras na abutin niya ito, papasok na siya sa isang magulong mundo ng karangyaan, kasinungalingan, at nakatagong panganib
Last Updated : 2026-06-28 Read more