Nakangiwi ako ngayon habang pinapanood ko ang gulo ng pamilya, linggo ngayon kaya napag desisyunan naming mag simba, bukas na ang fiesta rito sa lugar namin kaya aligaga rin si mama. “Mama, they are so magulo,” hagikgik ni Zina na nasa gilid ko. Natawa ako sa sinabi ng anak. “Let them baby, ngayon palang kasi sila makakapag simba,” naka ngising sagot ko sa kanya. Natawa naman si Zina sa sinabi ko at kumapit sa kamay ko. “Tara na ate!” pag aaya sa akin ni Kara. Bumuntong hininga ako at inakay ko na palabas si Zina. Nasa labas na si Lorenzo, pinadala niya ang van papunta rito para may sasakyan kami, medyo may kalayuan ang simbahan sa bahay kaya kailangan talaga namin ng sasakyan. “Ready?” tanong sa akin ni Lorenzo. Tumango ako sa kanya at pumasok na sa front seat habang si Zina ay katabi si Hara. “Palagi ba kayong nag sisimba noon” tanong ko kay Lorenzo. Tumingin siya sa akin at bahagyang tumango. “Yes, we always go, and that helped me a lot, it taught me to pray always,” Ngumiti
Last Updated : 2026-07-29 Read more