Chapter 13Alena's POVSinamahan ko si Manang Isay sa palengke. Hindi naman talaga ako obligadong gawin iyon, pero dahil wala si Boss MJ at may mahalagang lakad siya sa labas ng Sto. Alonzo, naisip kong tumulong na lamang sa ibang gawain sa mansyon. Hindi ako sanay na nakaupo lang at naghihintay. Mas gusto kong may ginagawa, lalo na kung makakatulong iyon sa mga taong naging mabait sa akin.Bukod pa roon, isa rin itong magandang pagkakataon para mas mapagmasdan ko ang buong Sto. Alonzo. Bilang isang undercover, bawat lugar, bawat mukha, at bawat kilos ng mga tao ay mahalagang impormasyon. Hindi ako maaaring maging kampante kahit sandali."Salamat, Alena," nakangiting sabi ni Manang Isay habang naglalakad kami sa pagitan ng mga tindahan. "Sa lahat ng tao rito, ikaw lang talaga ang may kusa. Hindi ka kailangang utusan."Napangiti ako."Masaya lang po talaga akong makatulong."Tinapik niya ako sa balikat."Kung lahat ng katulong katulad mo, wala na akong iindahin."Natawa kami pareho.Na
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-07-08 อ่านเพิ่มเติม