Partager

Lethal-Elegant

Auteur: Ely
last update Date de publication: 2026-07-13 11:27:57

Chapter 17

Mark Jacob’s POV

Paglabas ko ng study room, agad kong nakasalubong ang mga katulong at empleyado ng mansyon. Kakaiba ang ingay sa hallway. May mga nagtatawanan, nagkukuwentuhan, at halatang may ipinagmamalaki sa isa't isa.

Napakunot-noo ako.

Halos lahat ng babae ay may suot na mga bagong purselas. Ang iba naman ay nakasuot ng magagandang bestida na parang bagong bili. Ang mga lalaki naman ay abala sa pagnguya ng mamahaling tsokolate habang nagbibiruan.

Pero nang mapako ang tingin ko
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Dernier chapitre

  • Under Cover Maid and the Billionaire Assassin   Drift Ayway

    Chapter 62Alena’s POVPinaimbistigahan ni Mark Joseph ang nangyari sa amin, kung sino ang mga high powered men na umatake sa amin ng araw na iyon.Sa totoo lang, natatakot ako.Hindi para sa sarili ko.Kundi para sa sikreto ko.Marami naman akong nakakasagupa na mga armadong mga tao buong buhay ko. Nakita ko na ang dahas, panganib, at kamatayan sa mga lugar na hindi ko na mabilang. Sanay na ako sa putok ng baril, sa habulan, at sa mga taong handang pumatay para lamang makuha ang gusto nila.Pero iba ngayon.Dahil hindi lang sarili ko ang nakataya.Ang mabuko ako at malaman ni Mark Jacob kung sino talaga ako…Iyon ang hindi ko kakayanin.Galit na galit siya. Kitang-kita ko kung papaanong maglabasan ang mga ugat niya sa leeg sa pang-gagalaiti habang pilit niyang hinahanap ang mga taong responsable sa nangyari.He wanted answers.He wanted names.He wanted to know who dared to hurt us.Pero kahit anong hanap niya ng sagot, mukhang wala siyang makita.Tama ang kutob ko.Ako talaga ang ta

  • Under Cover Maid and the Billionaire Assassin   Unharmed

    Chapter 61Mark Jacob’s POVHabang nakasakay sa sasakyan, naka-convoy lang kami sa sinasakyan nila Tiya Martha at Alena. Napahinto lang kami ng sandali dahil sa mga batong biglang nahulog mula sa mga bundok.Maliit lamang ito, pero sapat na para maantala ang aming biyahe.Wala naman akong naramdamang kakaiba noong mga sandaling iyon.Hindi ko alam na ilang segundo lamang ang pagitan bago magbago ang lahat.Nang nakaandar na kaming muli, nakarinig kami ng malalakas at mabibilis na putok.Mga tunog ng high-powered guns.“Alena!”Naisip ko agad siya.Parang biglang nanlamig ang buong katawan ko.Kitang-kita ko kung papaano pinaulanan ang kanilang sinasakyan.Walang warning.Walang pagkakataon para makapaghanda.Kaya kumilos na rin ang mga armado kong kasama para masaklolohan sila.Humingi na rin ako ng baril para makatulong para ma-intercept namin ang mga armadong umaatake sa kanila.Marami ang bumagsak na mga napatamaan sa ulo.Marami din ang mabilis na nakatakas nang makitang nauubos n

  • Under Cover Maid and the Billionaire Assassin   Cruelty Beyond Limit

    Chapter 60Alena’s POVPapaalis na sana kami sa bayan ng Tawid Sapa.At papasakay na ako sa sasakyan ni Mark Jacob nang sinabihan ako ni Tiya Martha na sa kanya ako sumakay.“Kung saan ka sumakay papunta, doon ka rin sasakay pauwi.”Magrereklamo pa sana si MJ sa kanya pero pumikit-pikit na lang ako bilang senyas sa kanya na hayaan na lang niya ang kanyang Tiya.Para kasing pinagdidistansya kami ni MJ sa tuwina.Naasiwa ang matanda kapag nakapulupot ang nobyo ko sa akin.Masisisi ko ba siya?Eh, gandang-ganda siya sa akin.“Opo, Tiya,” sagot ko na lang kahit hindi pa niya ako hinahayaang tawagin siya nang ganoon dahil hindi pa kami close.Medyo nanghinayang pa si Mark Jacob dahil hindi niya ako makakasama sa sasakyan.“Ako na lang ang sasabay kay MJ, Tiya.”“Sige.”Pero bakit kay Vivien pumayag siya?Ay, iba rin ang pagkabiased ni Tiya Martha.Nakakasura.Hindi ko na lang pinahalatang naiibyerna ako.“Tayo na!”Para akong patong sumusunod sa kanya.Kumaway na lang ako kay Mark Jacob ba

  • Under Cover Maid and the Billionaire Assassin   Steel

    Chapter 59Alena’s POV“Wow! Ang galing mo talaga, honey. Baling-bali.”Napabilib talaga ako sa boyfriend ko.Ako, siniko ko lang eh, siya, binali talaga niya ang kamay ni Roberto.Pati yata sungay at buntot nabali niya rin.Hindi na siya naglakas loob na kalabanin pa si MJNapatingin ako kay MJ habang nakatayo siya na parang walang nangyari.Ang lakas talaga ng boyfriend ko.Pero, honestly, deserve niya iyon.Napakaraming tao ang winasak niya.Tama lang na umalis na siya sa bayang iyon.Kawawa naman ang mga nakatira.Kung tutuusin, hindi naman sila ang may kasalanan sa lahat ng nangyayari rito.Sila ang naiwan.Sila ang kailangang mabuhay sa gitna ng problemang hindi naman nila ginawa.Pero paano kaya sila matutulungan?Hindi naman sapat na paalisin lang ang mga taong gumagawa ng masama.Kailangan ding isipin kung ano ang mangyayari sa mga taong naiwan.Kailangan nilang mabuhay.Kailangan nilang kumita.Kailangan nilang magkaroon ng pagkakataong magsimulang muli.“Honey, nakapunta ka

  • Under Cover Maid and the Billionaire Assassin   Test

    TestChapter 58Alena’s POV“Sumama ka sa akin Helena.”Hindi ito kahilingan, utos ito.Utos ng kanyang Tiya Martha.Hindi na ako nagtanong pa. Alam kong may dahilan kung bakit niya ako pinasasama. Kaya tahimik lamang akong sumunod sa kanya.Pumunta kami sa isang lugar na ngayon ko lang napuntahan. Isang maliit na bayan na parang pinagkaitan ng pag-asa.Ang bayan ng Tawid Sapa.Sa unang tingin pa lamang, parang may mabigat ang humahawak sa dibdib ko.Marami na akong nakitang ganito.Sa dami ng lugar na napuntahan ko dahil sa mga misyon, marami na akong nasaksihang kahirapan. Mga lugar na kulang sa pagkain, walang maayos na tirahan at halos walang pagkakataon ang mga tao para umunlad.Pero ito?Isa ito sa pinaka grabe.Parang nakalimutan ng mundo ang lugar na ito.Sira-sirang at barong-barong bahay na halos babagsak na. May mga bubong na puro yero at may mga dingding na pinagtagpi-tagping kahoy, karton at lumang tarpaulin. Sa ilang bahay, makikita ang malalaking butas sa dingding kung

  • Under Cover Maid and the Billionaire Assassin   Never Ending Trouble

    Chapter 57Alena’s POVIsang hindi inaasahang bisita ang dumating sa mansiyon.Si Dona Marta, ang tiya ni Mark Jacob.Unang beses ko siyang nakita at pumunta sa mansiyon.At sa unang tingin pa lang, alam kong hindi siya ordinaryong babae.Elegante.Mayaman.Matalas ang mata.Lahat na ng puede mong ilarawan sa isang kontrabida sa drama.Napansin ko ding napakahaba ng kanyang kuko.Iyong tipong kapag sinampal ka, hindi lang pisngi mo ang masasaktan. Baka pati dignidad mo.Nakaayos ang buhok niya, mamahalin ang suot, at bawat kilos niya ay may confidence na parang pag-aari niya ang buong mansiyon.Agad niyang napansin ako.Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa.“And who is this?”“May girlfriend, Aunt Martha,” marespetong tugon ni Mark Jacob.Halos mapalingon ako kay Mark Jacob.Girlfriend?Napakabilis naman niyang magpakilala.Pero bago pa ako makapagsalita, muling nagtanong si Dona Marta.“Live-in?”Nataranta si Mark Jacob.“No, Tita. Stay-home assistant ko din siya.”Napatingin ako

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status