Chapter 57Alena’s POVIsang hindi inaasahang bisita ang dumating sa mansiyon.Si Dona Marta, ang tiya ni Mark Jacob.Unang beses ko siyang nakita at pumunta sa mansiyon.At sa unang tingin pa lang, alam kong hindi siya ordinaryong babae.Elegante.Mayaman.Matalas ang mata.Lahat na ng puede mong ilarawan sa isang kontrabida sa drama.Napansin ko ding napakahaba ng kanyang kuko.Iyong tipong kapag sinampal ka, hindi lang pisngi mo ang masasaktan. Baka pati dignidad mo.Nakaayos ang buhok niya, mamahalin ang suot, at bawat kilos niya ay may confidence na parang pag-aari niya ang buong mansiyon.Agad niyang napansin ako.Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa.“And who is this?”“May girlfriend, Aunt Martha,” marespetong tugon ni Mark Jacob.Halos mapalingon ako kay Mark Jacob.Girlfriend?Napakabilis naman niyang magpakilala.Pero bago pa ako makapagsalita, muling nagtanong si Dona Marta.“Live-in?”Nataranta si Mark Jacob.“No, Tita. Stay-home assistant ko din siya.”Napatingin ako
Last Updated : 2026-09-22 Read more