Hindi maganda ang umpisa namin ni Azrael... Kung dati, punong-puno ako ng takot sa kanya-sa isang tingin lang, nanginginig na ako-ngayon, baligtad na. Naiiyak pa rin ako, lalo na kapag hindi pa siya umuuwi o may Meron siyang business na out of town."Ma'am, kumain na po kayo," malumanay na sabi ni Ate Mirna, ang maid na palaging nagdadala ng pagkain sa akin.Napatingin ako sa kanya at napabugtong-hininga, habang hawak ang cellphone. Katatapos lang namin mag-usap ni Azrael kanina... nasa Russia siya ngayon, kasama ang kakambal niya, may inaasikaso doon."Kumain naman ako kanina ng meryenda," sabi ko sa sarili ko, "antayin ko na lang si Azrael."Ngunit tila hindi pumayag si Ate Mirna."Naku, Ma'am... baka abutin pa yun ng kinabukasan. Baka magutom kayo at ang baby niyo..." sabi niya, puno ng pag-aalala.Napatingin ako sa kanya, napabugtong-hininga, at dahan-dahang kinapa ang maliit kong tiyan. Ramdam ko ang init at tibok ng buhay na kasama namin ni Azrael, at sa kabila ng distansya niya
آخر تحديث : 2026-07-29 اقرأ المزيد