Kasalukuyan kaming kumakain sa mesa. Pinili kong huwag na lang balikan ang sinabi niya kanina. Nakakatuwa lang isipin na marunong din pala siyang magluto… parang complete package—mayaman, gwapo, at marunong pang magluto.Pero kahit gano’n, hindi maalis ang kuryosidad ko tungkol sa amin. Walang ligawan na nangyari, at kahit wala akong maalala, alam ko sa sarili ko na hindi naman ako ‘yong tipong babae na basta na lang bumibigay dahil lang gwapo ang kaharap.Hmm… baka ako pa nga ang pumikot sa kanya dati…Hindi Kaya??“What are you thinking?” tanong niya, na nagpabalik sa ‘kin sa realidad.“Ahmm… wala.” Napainom ako ng tubig, saka muling bumaling sa kanya.“Diba, ngayon, tayo na tayo… uuwi sa mansion?”Tumango siya, nakatitig lang sa akin, parang hinihintay pa ang sasabihin ko.Kaya kinapalan ko na ang mukha ko.“Mamili tayo, Azrael. Pasalubong.” Sabi ko dito, sabay ipinakita ang pinakamatamis kong ngiti.Hindi siya sumagot, pero alam ko na pumapayag ito—dahil dito ko siya nadadala.Mata
آخر تحديث : 2026-07-20 اقرأ المزيد