“Sige na, umuwi na kayo. Mag-uusap lang kami sandali,” sabi ko habang nginingitian ang mga magsasakang nakapaligid sa akin. Ang mga taong ito ang nakasaksi kung paano ako lumaki sa Mirasol. Sila rin ang unang nakaaalam na hinding-hindi ko ipagpapalit ang tahanan ko, ang lupang ito, at ang maisang bumuhay sa amin.“Ma'am Lucky, naniniwala po kami sa inyo. Mauuna na po kami,” sambit ni Aling Berna habang inaakay ang kanyang asawa.“Kung may kailangan ka, Ma'am, sumigaw ka lang. Nasa likod lang po ako,” paalala ni Mang Ernesto. Ang maliit niyang kubo ay nasa likuran lamang ng bahay namin.“Hihintayin kita rito, Lucky. At ayaw mo bang magpalit muna, iha? Baka magkasakit ka,” nag-aalalang sabi ni Manang Lui.“Hindi na po, Manang. Sandali lang po ito. Pumasok na po kayo. Sabay po tayong maghahapunan mamaya,” sabi ko at marahang hinawakan ang balikat niya.Bumuntong-hininga siya. Kahit nag-aalangan ay tumango na rin at pumasok sa bahay.Nang magtama ang tingin namin ni Malik, tahimik akong lu
最後更新 : 2026-07-12 閱讀更多