Dahan-dahang nabitiwan ni Kyle ang doorknob ng main door. Dahan-dahan din siyang humarap sa akin, bagaman bakas pa rin ang matinding tensyon at galit sa kaniyang mukha."Naisip mo ba ang bata, Kyle?" pilit kong pinalalabas ang boses ko kahit nanginginig pa rin ako sa takot sa ekspresyon ng mukha niya. "Kanina lang, inilabas ng mga kalaban niyo ang mga lumang medical records at litrato ko noong ipinanganak ko si Tyler sa probinsya. Who knows, baka pati siya ay pinag-uusapan na rin sa social media. Pero sana hindi… Please, pag-isipan mo ang gagawin mo!""That has nothing to do with me leaving, Paola…" may diin niyang tugon pero sa pagkakataong ito ay may pait at lamat na ang kaniyang boses. "I care about Tyler! He's my nephew!""Then prove it!" palag ko sa kaniya, humakbang na ako para medyo mapalapit sa kaniya, sunod ay pinangharang ko na ang katawan ko sa pintuan. "Kapag lumabas ka at nagbigay ng pahayag, madadamay ang anak ko. Tatay niya si Raf. Ano sa tingin mo ang isusulat ng media
Terakhir Diperbarui : 2026-07-23 Baca selengkapnya