Naging sobra-sobra ang pag-iingat ni Raf sa akin nang sumunod na mga araw. Literal na nasa OA levels na.Hindi niya ako hinahayaang tumayo na wala ang pag-assist niya. Tuwing bababa naman sa kama, may assist pa rin siya. Kahit sa pagkain, gusto niya ay subuan ako. "Wifey, drink your warm milk first before taking your vitamins," utos na naman niya pagkalapag niya nung isang baso ng gatas sa maliit na mesa sa tapat ng couch. Inayos pa niya ang unan sa likod ko. "Are you feeling nauseous? Do you need another pillow?"Natawa na lang ako. "Raf, anim na linggo pa lang 'to. Hindi pa ako lumpo, okay? At puwede, tatlong unan na ang nasa likod ko.""I don't care. The doctor said you need complete rest," sagot niya bago ako hinalikan sa noo at sa pisngi. "I just want to make sure you're one hundred percent comfortable."“Eh komportable naman ako ah," depensa ko agad na inilingan lang niya. Pero imbes na mainis ako sa pagiging OA, napapangiti na lang ako. Masarap sa pakiramdam na nakikita siya
Terakhir Diperbarui : 2026-07-26 Baca selengkapnya