"Since you heard everything… you now know how pathetic I actually am…" Napangiwi ako. Seryoso, ano ba'ng nangyayari sa lalaking ito at bigla siyang nagkaganito? Ano, mamamatay na ba siya kaya parang hindi na siya ‘yung demonyong Kyle na nakilala ko?“Eh ano naman kung pathetic ka? Wala na ako doon at wala akong pakialam doon," dismayado kong iling. “Kung anuman ang pinagdaanan mo, hindi pa rin ‘yun excuse para idamay mo ‘ko kaya bukod sa pathetic ka, napakalaki mo pang gāgo!" Hindi siya agad nakapagsalita. Sa halip ay napakamot ulit siya ng ulo sabay iwas saglit ng tingin sa akin.“Si Tyler, totoo ba ‘yung pinapakita mong malasakit sa kaniya?" mayamayang tanong ko.Agad siyang napatingin ulit sa akin, tila nabuhayan na ewan. "Of course! He's a family!” mabilis niyang sagot. Tumango ako at ako naman ang nag-iwas ng tingin. “Fine! Kakausapin ko na lang si Raf na hayaan kang makasalamuha ang anak ko, pero hindi ibig sabihin nun ay napapatawad na kita. Gāgo ka pa rin sa paningin ko," d
Terakhir Diperbarui : 2026-07-20 Baca selengkapnya