Nagising ako kinaumagahan na maayos ang pakiramdam at masarap ang tulog. Sa tabi ng kama, nakatayo na si Raf habang isinusuot ang kaniyang navy blue suit coat sa harap ng vanity mirror. Tatayo sana ako para tulungan siya sa kaniyang suit pero matagumpay na niya itong natapos. "Good morning, wifey," bati niya agad, yumuko siya at hinagkan ang noo ko. "How are you feeling? Did you sleep well?""Oo, maayos ang tulog ko," ngiti ko, dahan-dahang naupo. "Maaga ka yata ngayon?""I have an early meeting with the board, but I'm making sure Tyler gets to school safely first," sagot niya, ang collar naman ng kaniyang polo ang inaayos niya. "Come on, get up. Breakfast is waiting downstairs."Pagbaba namin sa kainan, naroon na si Tyler na nakabihis na sa kaniyang school uniform habang masayang kumakain ng pancakes. Sa kabilang dulo naman ng mesa ay nakaupo si Kyle na may hawak na tasa ng kape habang nakatitig sa tablet niya."Good morning, Mommy!" masiglang bati ni Tyler nang makita ako."Good mo
Terakhir Diperbarui : 2026-07-26 Baca selengkapnya