Sa totoo lang, hindi ko naman talaga naging sobrang close ang mga kasamahan kong ito. Ano lang kami, tipikal na kasama lang sa shift, nagtsichismisan kapag break time, at minsan ay nagkakaroon pa ng maliit na inggitan sa benta. Sa labas ng store, hindi ko sila nakakasama. Hanggang trabaho lang talaga kami.Pero ngayon na nakikita ko ang sobrang tuwa at proud sa mukha ni Raf habang nakatitig sa akin, na para bang nakagawa siya ng napakagandang bagay para sa akin, mabilis na lumambot ang puso ko at parang gusto ko na lang maiyak sa tuwa. Paanong naisip pa niya ito? Nag-abala pa talaga siyang magtanong at mag-research tungkol sa mga dati kong nakatrabaho para lang sorpresahin at pasayahin ako?Bukod doon, parang pinaalala niya sa akin na kahit malaki ang pinagbago ng buhay ko simula nang makasal kami, ako pa rin ang simpleng Pao. 'Yung Paola na nagpupunas dati ng mga lipstick tester sa mall, nagtitipid para sa pamasahe, at nangarap lang din nang simple."Hubby... thank you," tapat kong
최신 업데이트 : 2026-07-30 더 보기