“G-Galit ka ba?" kinakabahan kong tanong nang matameme na lang siya, bahagya pang nakaawang ang kaniyang bibig. "Hubby, galit ka? Promise, hindi ko talaga sinasadyang marinig ko kayo. Naiihi kasi ako nun kaya nagising ako. Eh wala ka naman sa tabi ko kaya naisip ko nun na i-check ka sa study room mo at—”"Wifey, wifey, calm down. I'm not mad,” pigil agad niya sa akin, medyo natatawa na. Naitikom ko ng wala sa oras ang bibig ko at ako naman ang pansamantalang napatitig sa kaniya. Nagkatinginan kami pero siya'y natawa lang lalo."I'm not mad, okay? I was just caught off guard, and it made me wonder what you meant. Please, calm down," pag-alo niya sa akin at muling hinaplos ng marahan ang pisngi ko. “So, what was your question again?" Bahagya akong napangiti. Hindi naman pala galit, mabuti na lang. “Ano kasi…” pagpapatuloy ko at bumalik ako sa pagkakasandal sa dibdib niya. “Hatinggabi kasi nun. Siguro mag-aalas tres na. Narinig ko kayo na nagtatalo ni Kyle tungkol sa isang tao. Hindi
최신 업데이트 : 2026-07-29 더 보기