Kinagabihan ay hindi ako gaanong nakatulog nang maayos dahil sa halo-halong emosyon, pero paggising ko naman kinaumagahan ay ramdam ko ang kakaibang lakas ng loob ko. Eksaktong alas-otso y medya pa lang ng umaga, nakagayak na ako habang kasama si Yaya at si Tyler sa sala.Sa mismong pagpatak ng alas-nuebe ng umaga, tumunog ang doorbell ng condo ni Kyle. Pumasok ang isang matangkad at kagalang-galang na lalaking nakasuot ng dark gray suit, hawak ang isang leather briefcase."Good morning, Mrs. Ashford. Mr. Kyle," seryoso at maawtoridad na bati ni Atty. Mercer nang patuluyin siya sa sala."Punctual as always, Mercer," bati ni Kyle, iginiya na niya ito paupo sa sofa. "Did you bring everything we need for Monday?""Yes, Mr. Kyle," sagot ng abogado sabay lapag ng briefcase sa mesa. Tumingin siya sa akin nang may magalang na ngiti. "Mrs. Ashford, I’m Atty. Gabriel Mercer, Mr. Rafael's lead legal counsel. Your husband asked me to personally brief you so you won't feel overwhelmed on Monday."
최신 업데이트 : 2026-07-31 더 보기