"Wifey..." pabulong niyang usal, titig na titig pa rin siya sa mukha ko. Sinubukan niyang hawakan ako sa kamay pero nilayo ko lang iyon sa kaniya, bagay na ikinagulat niya bago siya nagpatuloy sa pagsasalita. "Please, don't do this to me... Come back home with me. Konti na lang titiisin mo, I'm begging you."Napapikit ako nang mariin. Hindi ko inaasahan na ito ang maririnig ko sa kaniya kahit ganito din naman talaga ang sinasabi niya sa akin tuwing sinasabi kong umalis na kami doon. "My love, we're at the final stretch of this fight against Andrew," pagmamakaawa niyang dugtong, garagal ang boses habang nakatingin sa akin. "The board is taking my side again. By next week or next next week, I'll settle everything with the company and we can finally move to our own house. I'm just asking for a little more time... Please, wifey, don't do this with Kyle. Come back to the mansion with me."Hinawakan na ako ni Kyle si pulso at muli niya akong ibinalik sa kaniyang likuran. "A few more week
최신 업데이트 : 2026-07-31 더 보기